News and Articles


Nadine is 'super inspired'

NATAPOS  na  pala ni Nadine Samonte ang part niya sa balik-tambalang soap  nina Nora Aunor at Tirso Cruz III, ang When I Fall In Love, na kinunan sa Tagaytay City.
Super inspired ngayon si Nadine. Paano ba nama’y nakatagpo  siya ng bagong pag-ibig sa katauhan ng non-showbiz professional  guy na si Richard Chua, anak ng aktres na si Isabel Rivas. Taga- Bureau of Immigration si Richard.
Nakilala ni Nadine si Richard nang mag-wake boarding siya sa Nuvali Sta. Rosa, Laguna. Dito na nagsimula ang sunud-sunod nilang pagkikita hanggang magkaroon sila ng relasyon. Talagang tinapos na ni Nadine ang chapter ng kanyang buhay sa dating bf na si Emerson Chua, anak ng owner ng Ping Ping Lechon. Mabigat din sa loob niya ang pagkakahiwalay nila ni Emerson  dahil  pitong taon silang mag-on na on and off.  Sabi ni Nadine, kawalan ng plano ni lalaki sa kanilang relasyon ang nagpa-turn off sa  kanya sa relationship.
Sa ngayon ay nag-e-enjoy si Nadine sa companionship ni Richard lalupa't pareho sila ng mga hilig kasama na ang wake boarding bilang isang paraan ng exercise. Kaya tuluy-tuloy ngayon ang pagiging seksi ni Nadine.
Samantala, big project  ang When I Fall In Love na idinirek ni Joel Lamangan. Kinunan ito gamit ang camera na pampelikula. Intended din kasi  ang project na ipalabas sa mga sinehan.  Kasama ang Nora at Tirso  project  sa sunud-sunod na mini series na ipalalabas sa Kapatid Network,


Anak ni Nadine mabubuntis ng ama  

May pelikula si Nadine Samonte para sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival at ito ay may titulong Nuwebe. Based ang pelikula sa isang documentary feature ng isang nine-year-old girl na nabuntis ng kanyang sariling ama. First time lang gagawa ng ganitong pelikula na maselan ang tema si Nadine kaya medyo kinabahan siya noong magsimula na silang mag-shooting ng direktor nilang si Joseph Israel Laban na isang producer sa GMA News. Kasama niya sa cast sina Jake Cuenca, bilang ang mapang-abusong ama, Anita Linda, at Barbara Miguel na biktima ng incestuous rape. “Noong una kong binasa ang script, iba siya. Feeling ko na hindi ko kaya ’yung role kasi may mga scene akong gagawin na never ko pang ginawa sa buong career ko. “Very intense ’yung kuwento and kaya ko rin tinanggap ito, isa akong ina rito na gulung-gulo at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin dahil pareho niyang mahal ang anak at asawa niya,” sabi ni Nadine. Sa Marinduque nag-shoot si Nadine ng naturang indie film.“Nine days kaming nag-shoot doon. Malaking tulong ’yung location namin para sa istorya. Makikita nila kung paano mag-build up ’yung kuwento sa pagiging simple at masayang pamilya na biglang masisira dahil sa isang pagkakasala,” dagdag pa ng aktres. Nasa New Breed Category ng Cinemalaya ang Nuwebe. Magsisimula ito sa July 26 hanggang Aug. 4 at mapapanood sa Cultural Center of the Philippines, Ayala Cinemas in Trinoma, Greenbelt 3, at Alabang Town Center.




Nadine ibinuyangyang na ang relasyon sa anak ni Isabel Rivas
 


Tinupad ni Nadine Samonte ang ipinangako sa press na kapag naging sila na ng boyfriend niya nga­yon, aaminin din niya. Kaya lang dahil walang chance na muli siyang ma-interview sa Instagram (IG) na lang inamin ng aktres na sila na ng anak ni Isa­­bel Rivas na Richard Chua ang name.

Ang daming pictures nilang dalawa na pinoste ni Nadine, merong magka-holding hands, merong nagwi-wake boarding, merong nakayakap ang bi­na­ta, at marami pang iba. Sa IG din namin nalamang “boobo” ang terms of endearment ng dalawa.
 Twelve years older itong si Richard at nagtatrabaho sa Bureau of Immigration at ang nakakaloka, ang second name ni Richard ay Emerson. Ang ex-boyfriend ni Nadine ay Emerson Chua din ang name! Hindi siya nakaalis sa pangalang ito.
Cheesy ang post messages ni Nadine lately, patunay na in love ito at isa sa pinakahuling post nito: “Throughout your life you’ll meet one guy unlike any other, you can talk to him and never get bored, tell him anything and never be judged. A best friend a boyfriend and a true love. And being in a relationship isn’t about the kissing, dates or showing off. It’s about being with the person that makes you happy and bring the best out of you @rboy_chua love you #myforever #happiness #boobo #inlove #kove.”
Samantala, ang telemovie na When I Fall In Love ang next project ni Nadine sa TV5 at gaganap siyang isa sa mga anak nina Nora Aunor at Tirso Cruz III. Hindi pa alam kung itutuloy pa ang teleseryeng Minsan May Isang Anak o tuluyan nang kinansela dahil hindi natuloy lumipat si Lovi Poe. Kasama rin sana si Nadine sa cast nito.


Nadine Samonte confirms having a boyfriend; asserts: “Kung masasabi kong in love ako, e di, nandoon na yung ano, na parang kami na… may ganoon na nga sa stage na yun.”
 Pep.ph


Kabilang si Nadine Samonte sa mga nag-perform sa kakatapos na Nora at 60 birthday tribute para kay Superstar Nora Aunor na ginanap sa Meralco Multi-Purpose Hall noong Martes, May 21.
Sumayaw si Nadine kasama ang iba pang mga TV5 artists na sina Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica at Eula Caballero.
Napabilang sina Edgar at Eula sa programa dahil nakasama nila si Nora sa nagwakas na seryeng Sa Ngalan ng Ina.
Si Vin naman ay gumanap na anak ng Superstar sa kakatapos pa lang na seryeng Never Say Goodbye.
Panay ang sabi ni Nadine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang dance number na hindi niya akalaing makakasayaw siya.
Pahayag niya, “Nagpapasalamat lang ako kasi naging part ako ng birthday tribute niya.
“Pinilit ko talagang sumayaw, kasi nga, nami-miss ko na rin siya… masaya ako para kay Nanay [tawag niya kay Nora].”
UNFORGETTABLE. Ano ang mga memorable moments ni Nadine na kasama ang Superstar?
“Doon sa Sa Ngalan ng Ina, ang dami naming scenes together na puro inaapi ko siya, puro away-away. After ng away namin, tawanan… masaya.
“Puro lahat unforgettable moments lalo na yung sampalan. Ako, sinampal ko siya.
“Nahihirapan akong sampalin siya, kasi nga, Ms. Nora Aunor—baka magalit yung fans niya.
“Sabi niya, ‘Okay lang 'yan anak, okay lang 'yan.”
Ano ang mga natutunan ni Nadine kay Nora?
“Marami… isa na nga yung palagay ang loob ko sa eksena.

“Parang pinaparamdam niya sa iyo na, ‘Okay lang yun anak, huwag kang matakot… huwag kang ganyan.’ So, mga ganoon.
“So, noon pa lang, at least, nakakahinga ka nang malalim, nakakahinga ka nang maluwag.
“Yung gusto mong i-arte, nagagawa mo, kasi ipinaparamdam niya sa iyo yung support.”
TOGETHER AGAIN. Muling magsasama sa isang project sa TV5 sina Nora at Nadine sa isang seryeng pagtatambalan ng actress at ng kanyang phenomenal ka-loveteam na si Tirso Cruz III.
“Hindi ko pa alam kung ano yung lawak ng role ko, basta sinabihan ako na kasama ako sa project,” pagbabalita niya.
Kumusta naman ang takbo ng career ni Nadine?
Ayon sa kanya, “Okay naman… wala naman akong maire-reklamo.”
NEW BOYFRIEND. Napag-alaman ng PEP.ph na sa wakeboarding sa Nuvali Sta. Rosa, Laguna, niya nakilala ang current boyfriend ng aktres.
Noong una ay tumanggi siyang pag-usapan ang lalaki dahil hindi naman daw ito taga-showbiz.
“Pag nagsasalita kasi ako about lovelife, parang hindi tumitigil na puro sa lovelife, sa lovelife,” kimi niyang sambit.
“Tapos, may mga nangingialam na. Tapos, sabi ni ganyan… ganoon raw… ayaw ko na ng ganoon.
“Siya rin naman, ayaw niya para raw may privacy.
“Ako naman, very vocal din naman ako sa lovelife, like I’m happy, I’m inspired, I’m in love.”
 
Sa kakapilit namin kay Nadine, napapayag namin siyang pag-usapan nang bahagya ang kanyang kasintahan.
Ayon sa aktres, taga-Manila ito at kahit may business sa Manila ang pamilya, may sarili naman itong trabaho sa Bataan.
Nasa mukha ni Nadine ang kasiyahan sa lovelife niya ngayon kaya naitanong namin kung talagang nahanap na niya ang lalaking mamahalin.
“Kasi nakikita ko naman na serious siya. Nakikita kong… alam mo ba noong nagkakilala kami?
“First day pa lang, para kaming taon na, na magkakilala? Years na, parang ganoon.
“Sobrang swak yung ugali naming, sobrang nagkakaintindihan kami—hindi ko alam kung anong nangyari.
“Parang bigla na lang ganoon na out of nowhere… parang…”
Naputol ang kanyang sasabihin nang kiligin at humalakhak nang malakas.
“I’m happy, he’s happy. Kung masasabi kong in love ako, e di, nandoon na yung ano, na parang kami na… may ganoon na nga sa stage na yun,” makabuluhan niyang saad.
WEDDING BELLS? Papunta na ba sa kasal ang pakikipag-relasyon niya? 
Sa huling interview namin sa kanya, ganitong estado tumatakbo ang plano niya sa mga susunod na taon na dapat ay sa nakaraan pa niyang boyfriend.
Sagot naman si Nadine, “Actually, hindi ko pa masasabi 'yan, pero let’s see by next year.”
Napag-uusapan na ba nila ang kasal?
“Alam mo? Yun nga, e, sobrang iksi ng panahon, pero it’s kinda weird… pero exciting na… let’s see! Let’s see,” nangingiting sabi niya.

Thirty-three years old daw ang edad ng boyfriend ni Nadine kaya palagay na ang loob niya rito.
“So, let’s see by next year kung ano ang mangyayari… pero I think, it’s getting there,” sabi niya na may himig na asam.
ON DIET. Napansin lang namin na tumaba nang kaunti si Nadine at hindi naman niya kinontra ito.
Sabi pa niya, 15 lbs. daw ang nadagdag sa kanya.
“My God! Alam mo bang hindi na ako kumakain? Pero sabi nga ni Mama, ‘Ang galing niyang mag-alaga, a?!” bulalas at sabay malakas na tawa ng aktres.
Totoo bang magaling mag-alaga ang boyfriend niya?
“Hindi ko alam… ewan ko ba? Nagwe-wake boarding na nga ako e… pero hindi ako alam kung bakit ako tumaba.
“'Yan ang problema ko ngayon, magsisimula pa naman ako ng taping.
“Pero mabilis lang naman akong magpapayat,” pahabol niya.
Kailangan pala bigyan siya ng problema ng boyfriend para pumayat agad?
“Hindi, a! Pangit naman yun! Pero magpapayat naman ako.
“Actually, nagi-start na ako sa diet ko… kailangan ko na talaga.”
Madalas ba siyang pakainin at busugin?
“Hindi naman. Di ba yung sinasabi nila na kapag yung kinakain mo masarap, kahit konti lang, nakakataba rin yun?

“Eto naman, kumakain kami ng healthy food pero yung konti na everytime na magkasama kami.
“Wala kaming ibang ginawa kundi ang tumawa nang tumawa.
“Very light… lahat ng gawin namin, very happy. So, parang wala talagang problema—stress-free,” kuwento pa niya.
Maliban sa kasiyahang naidudulot ng relasyon nila, paano pa siya napapasaya ng boyfriend?
“Ano kasi ako, e, sobrang liit lang na bagay napapasaya mo na ako.
“Ayoko ng… hindi ako masyadong ano… hindi ako very… palabigay?  Hindi ako materialistic… hindi ako ganoon.
“Yung may mababasa lang ako na text na, ‘Good morning, my life. Good morning, my happiness, di ba?’” kinikilig na tawa uli ni Nadine.
“Di ba parang ang sarap ng gising mo?”
Blessing in disguise bang masasabi na hindi sila nagkatuluyan ni Derek Ramsay dahil nagkaroon na siya ng pagkakataong makilala ang inspirasyon niya ngayon?
“Ahmm… hindi ko naman masasabing ganoon. Kasi meron talagang mga tao na depende kung swak kayo sa isa’t isa.
“Siguro, hindi kami swak sa relationship, swak kami bilang friends, yung mga ganoon.”
Sa palagay ba niya, nakita na niya ang lalaking puwede niyang pakasalan?
“Sa ngayon? Siguro, oo. Kasi masaya ako, walang ano, e… okay lahat, e.
“Kung ano ang gusto ko, gusto niya… konting bagay, napapasaya ko siya, napapasaya niya ako.”

MOM’S APPROVAL. Isa pa sa nagpagaan ng pakikipagrelasyon ni Nadine sa kanyang current boyfriend ay ang approval ng Mommy niya sa lalaki.
Sabi nga ng dating Kapuso actress, wala raw anumang negative comments ang ina niya sa kasintahan niya ngayon.
Ibinibigay na raw nito ang lahat ng tiwala sa kanya sa paghawak ng lovelife nito ngayon.
“Saka, tanggap siya ni Mommy—buti na naman—tanggap na niya!”

Nadine Samonte mahilig sa mga negosyante 


MALIBAN sa dalawang actor na nakarelasyon noon ni Nadine Samonte, matagal ding naging boyfriend ni nito ang anak ng lechon magnate na si Emerson Chua, isang filipino-chinese.
Ang buong akala na nga nang lahat ay silang dalawa na ni Emerson ang magkakatuluyan kasi after ng break-up nila last year ay nagkabalikan ang dalawa. Pero this year dahil sa ilang rason ay nagkahiwalay na rin ang mga ito. Ang isang version na aming narinig ay kuripot daw masyado ang nasabing chinese businessman, hindi lang kay Nadine kundi sa pamilya ng actress.
Papano na lang kapag nagpakasal sila eh, magmumukhang kawawa naman si Ms. Samonte. ‘Yung bahay nga raw na pinagawa ng Kapatid actress ay galing lahat sa sarili nitong pera at wala raw share roon ang ex-boyfriend.
Pero tila hindi naman ito nadadala dahil ang present boyfriend nito ngayon ay isang negosyante na naman na anak ng beteranang aktres na si Isabel Rivas.
At talagang ipinagmamalaki ng dalaga ang nasabing guy dahil panay ang post nito nang masasayang larawan nilang dalawa sa kanyang sariling Instagram account.
Aba! Pag nagkataon ay magbubuhay-donya ang biyuting actress sa laki at lawak ng farm ng kanyang magiging future husband sa Zambales. Good for her gyud!

Nadine, complete na ang buhay kay Richard Chua
 Rose Garcia / Abante


May karelasyon na ngang muli si Nadine Samonte.
Inakala pa namin noong una na si Emerson Chua na dating boyfriend ni Nadine ang nakikita namin sa Instagram account niya na tinatawag niyang “boo.”

Halatang in-love na in-love muli si Nadine at knowing Nadine, kapag in-love ito, hindi siya ang tipo ng ibang artista na nagtatago o nagde-deny.
Ibang Chua naman pala ang bagong boyfriend ni Nadine, si Richard Chua na hindi lang kami sigurado kung nakilala ba ni Nadine sa pagwi-wake board niya sa Nuvali o ito ang nag-introduce kay Nadine ng wake boarding.

Kahit super open naman si Nadine sa mga Instagram post niya ng bagong boyfriend, nang makausap namin ito sa pamamagitan ng Twitter account niya, tatawa-­tawa ito nang sumagot na, “no comment muna ako diyan,” nang tanungin namin kung gaano na nga sila katagal.

Sa Immigration nagtatrabaho si Richard Chua na dating nag-artita rin at anak ng aktres na si Isabel Rivas. Hindi namin tinigilan si Nadine at sinabi namin sa kanya na napagkamalan talaga naming ex-boyfriend niya ang bagong love niya ngayon dahil pareho halos ng pangalan ang dalawa.

Sinagot kami ni Nadine dito nang, “Ha! Ha! Ha! Hindi na kami magkakabalikan nun. He! He! Out na siya talaga sa buhay ko.”

At sa huli, sinabi na lang niya na, “Super ­happy ako ngayon. Parang complete na.

Nadine Samonte’s advice to Baron Geisler: “Mismong ikaw sa sarili mo ang puwedeng magbago sa sarili mo, hindi naman ibang tao, e
- By Rommel Gonzalez / Pep

Sa Caramoan, Camarines Sur, nag-spend ng summer vacation si Nadine Samonte kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.
“Sa Caramoan, three days kami sa Caramoan, tapos one day kami sa CWC [Camsur Watersports Complex] sa Camsur,” kuwento ni Nadine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Nakakahiligan kasi ni Nadine ngayon ang wakeboarding.
“Opo. I might... I might compete in August.”
Kailan siya nagsimulang mag-wakeboarding?
“A, October-November last year."
At ngayon ay sasali na siya sa kumpetisyon.
“Oo, I might.”
Madalas din daw si Nadine sa Republic Wakepark sa Nuvali sa Sta. Rosa sa Laguna.
“Opo, doon po ako madalas.”
Bakit niya naisipang mag-wakeboarding?
“Ewan ko ba? Sobrang, ewan ko, nagustuhan ko siya. Masarap siya sa katawan, masakit!” sabay tawa ni Nadine.

Pero hindi raw ito dahilan para tumigil siya sa pagwe-wakeboarding.
“Hindi pa rin.”
Bakit panlalaki ang nakakahiligan niyang activity?
“Hindi naman, may mga babae din doon pero mas konti ang babae.”
Bakit ba nagustuhan niya ang wakeboarding?
“Hindi ko alam... masarap! Actually last year pa, noong mga last two years ago, nag-CamSur kami.
“Yung nagkaroon ng show yung GMA doon sa Bicol, pina-stay kami sa CamSur.
“Doon nag-start yun, tinray ko... tumba-tumba na ako hanggang sa  nagta-try pa rin ako.”

NEW NETWORK. Speaking of GMA-7, sino ang nami-miss niya doon? From GMA-7 kasi ay lumipat si Nadine sa TV5.
“E, di sila Marian [Rivera], sila Dencio, si Dennis [Trillo]. Marami... halos lahat, nakaka-miss din sila.”
May communication pa ba siya sa mga dati niyang kasama sa GMA-7?
“Ay ngayon wala, wala masyado. Lagi akong nasa Wakepark, e. Pag wala akong work, nandoon ako.”

KIDLAT ENDING. Isa si Nadine, bilang Lara, sa female lead stars ng Kidlat na pinagbibidahan ni Derek Ramsay.
Magtatapos na ang show next week at tila guessing game kung kanino sa kanila ni Ritz Azul, as Joey, mapupunta si Voltaire/Kidlat (Derek) sa ending.
“Tingnan natin!” ang natatawang reaksiyon ni Nadine.
“Alam na namin, alam ko na, e, alam ko na ang ending, e. Hindi ko puwedeng sabihin kung kanino.”
Ano ang opinyon niya sa ending? Masaya ba siya rito?

DANGEROUS. Hindi raw siya natatakot sa sakit ng katawan o aksidente dahil sanay na siya.
Sabi ni Nadine, “Ay naku, ilang beses na akong, tumambling na ako doon, bumagsak na ako doon...
“Una ulo, sa ramp, tumambling-tumbling ako... iyon yung mga nangyari sa akin.
“Tumama na mukha ko. Basta, ang dami ng nangyari sa akin doon, e,” at muling natawa ang aktres.

Sagot ni Nadine, “Kung iyon ang gusto ng production or ng ano, wala naman akong magagawa.
“Iyon lang yung comment ko, wala naman akong magagawa. I don’t know... let’s see.”
Masaya ba siya? Ulit naming tanong.
“Kung iyon yung mas fit dun sa character, okay lang, no problem.”
Sa sarili niya, sa tingin ba niya ay tama ang magiging ending ng Kidlat?
“A, feeling ko, oo. Kasi, ano naman, e, parang iyon na talaga yung from the start, e.”


TWISTS. Nang magsimula siya sa Kidlat, alam ba niya na mababago ang role niya?
“Actually, hindi po ako naging kontrabida, hindi po ako naging salbahe. Pero alam kong mamamatay ako, tapos babalik ako.
“Kasi ang alam ko po mamamatay ako, tapos babalik ako bilang kontrabida na, bilang kaaway, pero naiba.
“Iniba nila. So lahat ng nangyayari sa script unexpected... unexpected.
“May mga twist talaga na magugulat ang audience.
“Pero sa ibang mangyayari, feeling ko hindi na sila magugulat!” at natawa si Nadine.

CO-STAR BARON GEISLER. Madalas nakakaeksena noon ni Nadine si Baron Geisler, na gumanap na kontrabidang si Vincent sa Kidlat.
Madalas nasasangkot si Baron sa eskandalo, pero ayon kay Nadine, wala siyang naging masamang karanasan kay Baron.
“Wala naman, wala naman akong na-experience sa kanyang bad, wala.
“Hindi naman niya ako binastos, wala namang nangyaring ganoon.”
Nagbigay rin daw siya ng advice dati kay Baron.

“Oo, oo. Wala lang... siyempre yung ‘Be serious na sa work mo,’ ganyan-ganyan, siyempre ganyan.
“Yung heart-to-heart talk. Pero siyempre ang isang tao kasi hindi naman…
“Mismong ikaw sa sarili mo ang puwedeng magbago sa sarili mo, hindi naman ibang tao, e. So, iyon.
“E, siyempre, nandito lang tayo para magbigay ng advice, mga ganoon lang.”
Wala na si Baron sa Kidlat.


Nadine Samonte on new non-showbiz “friend”: “Sobrang swak kami! Sobrang swak kami sa lahat ng bagay.”- By Rommel Gonzalez / Pep

 No!” ang nakabibiglang sagot ni Nadine Samonte nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung loveless siya ngayon.
Natiyempuhan ng PEP si Nadine sa taping ng Kidlat ng TV5 noong Lunes, April 22, sa Pasig City.
Dagdag pa ng Kapatid actress, isang non-showbiz Pinoy guy ang nagbibigay-kulay sa buhay niya ngayon.
“Wakeboarding,” tugon ni Nadine kung paano sila nagkakilala.
Kaya pala nakakahiligan ni Nadine ang naturang sport?
“Hindi, nagwe-wakeboard na ako, hindi ko pa siya kilala."
Wakeboarder daw ang naturang lalaki na ayaw i-reveal ni Nadine ang pangalan.
“Secret!” ang tumatawang pag-iwas ni Nadine.
So, wala nang chance na maging sila ni Derek Ramsay, na leading man ni Nadine sa Kidlat ng TV5.
“It’s not really meant to be!” at muling tumawa ang aktres.

LONG ENOUGH. Gaano katagal na silang may espesyal na pagtitinginan ng non-showbiz guy na ito?
“Lately, mga ilang months? Hindi ko masabing months, e.
“Basta I’m happy, iyon lang ang masasabi ko—I’m so happy.
“I’m happy na...” at nahinto si Nadine sa pagsasalita dahil kinikilig itong tumatawa habang nagba-blush.
“Bago ‘yan, ha? Kinikilig at nagba-blush ako!” at lalong tumawa si Nadine.
“Happy, happy lang ako.”

May mutual understanding na raw sila ng non-showbiz guy.
“It’s kinda like that, it’s getting there, it’s getting there. It’s like that... it’s getting there.”
Nakapunta na ba sa bahay nila ang lalaki?
“Hindi pa. Pero bukas pupunta siya sa Laguna.”
Nakilala na rin daw ng guy ang ina ni Nadine.
Taga-Manila ang guy pero sa Republic Wakepark sa Nuvali, Laguna ito nakilala ni Nadine.
Dito kasi madalas mag-practice ng wakeboarding si Nadine kapag walang taping or shooting.
Matanda kay Nadine ng twelve years ang naturang lalaki na base sa description ni Nadine ay “he’s working, at the same time, I think may business.”
Dagdag pa niya, “Ayoko munang magbigay ng ano kasi ipapakilala ko rin naman soon... soon.
“Ano... he’s the type of person na he’ll take care of you kapag magkasama kayo—he’ll take care of you.”
Sinabihan na siya nito ng “I love you?”
“Yes!” may kilig na sagot ni Nadine.
Sinabihan na rin niya ng “I love you?” yung guy?
Tumawa muna si Nadine at saka sinabing, “Teka lang, hindi ko alam ang isasagot ko sa inyo, e! Teka lang!
“I’m so happy talaga, hindi ko alam kung bakit.

“Sobrang swak kami! Sobrang swak kami sa lahat ng bagay.
“Tapos everytime na magkasama kami, happy lang kami, e, wala kaming… alam mo yun?
“We talk about sports, about anything.”

NADINE’S TYPE. Binata at wala raw anak ang lalaking ito. Guwapo ba?
Sabi ni Nadine, “Alam mo, ang problema kasi sa akin, hindi ko nakikita kung ang isang tao, guwapo.”
May kamukhang artista?
“Wala, wala. Basta for me kasi, he’s cute in a way kasi I like chinky eyes.”

Nadine dedbol sa kidlat
 
May last three days taping pa ang Kidlat, pero alam na nina Nadine Samonte at Ritz Azul kung sino sa kanila ang makakatuluyan ng karakter ni Derek Ramsay. Napansin lang namin na masaya si Ritz habang kausap namin at si Nadine ay medyo malungkot. Ang clue naman ni Derek, isa sa dalawa ay mamamatay.
Clue na rin siguro ang sinabi ni Nadine na lahat nang nangyari sa script ay unexpected at may big twist.
Sa tanong kung happy siya sa ending, ang sagot ay “Kung ‘yun ang mas mabuti sa karakter mo” at “kung ‘yun ang gusto ng production” ang sagot, kaya alam na.
Hindi man natuloy sa relasyon ang closeness nina Nadine at Derek, may nagpapasaya sa aktres ngayon at kung walang kokontra, baka ang non-showbiz guy na ito na nakilala niya sa wakeboar­ding. Parehong enjoy sa wakeboarding ang dalawa at balak pa ni Nadine mag-compete sa August.
“It’s getting there” ang sagot ni Nadine sa tanong kung MU na sila.
At last Tuesday, pumunta ito sa bahay nila. “He’s cute at like ko ang chinito guys,” description ni Nadine sa bagong inspirasyon.

Nadine, maligaya sa anak ng veteran actress! 
Joe Barrameda/Abante 

Sa Caramoan pala nag-spent ng Holy Week si Nadine Samonte at isang araw doon ay nag-wakeboarding siya. Matagal na palang nagwe-wakeboarding si Nadine at sa kabila ng mga aksidenteng naranasan niya sa sports na ito ay tuloy pa rin siya at sa katunayan ay sasali siya sa isang wakeboarding competition.

Dito niya nakilala ang bagong nagpapatibok ng puso niya. Ayaw niya pang sabihin ang pangalan ng lalaki, pero isang young businessman. May MU na raw sila at papunta na sa isang close relationship.

Hindi kaya ito na ang makakatuluyan niya. May sinabi kasi noon si Nadine na gusto na niyang mag-asawa at magkaanak. Naiinggit siya sa mga kapanabayan niya sa showbiz na may mga anak na.

Kaya nagniningning ang mga mata ni Nadine habang pinag-uusapan ang lalaking nagpapatibok ng puso niya. Hindi raw niya alam kung bakit sobrang happy siya.

Nang may nagtanong kung guwapo ang lalake. Hindi raw siya tumitingin sa pisikal na aspeto, basta cute ay okey na sa kanya. Love raw niya ang pagka-chinito nito.

May tinext kami na isang taong malapit kay Nadine tungkol dito at bingo. Tama ang sinabi niya at chinito nga ang isang anak ng veteran actress. ‘Yun na!

Sa Kidlat ay contented si Nadine sa role niya at kahit hindi siya ang makatuluyan ni Kidlat ay okay sa kanya at hinahayaan na lang niya sa production ang takbo ng istorya. Pero alam na niya kung ano ang mangyayari sa katapusan at hindi niya puwede itong i-divulge. Talbog!

Nadine Samonte: Ayoko nang mag-invest sa maling tao



“I’ve been in a seven year relationship, e. Mas careful na siguro ako ngayon,” she told Yahoo! Philippines OMG! in an interview.

The relationship in question was with businessman Emerson Chua, whom she broke up with September of last year. Now, she’s being linked to co-star Derek Ramsay.

Her current stance when it comes to love and relationships doesn’t necessarily mean she’s afraid to be hurt again; Nadine simply wants to take her time.
Kapatid actress Nadine Samonte came out of a long-term relationship last year. So it’s no surprise that the “Kidlat” star is now more cautious when it comes to love.
“Family na nga ang gusto ko, e,” she explained.
 
Before her break-up with Chua, Nadine admitted she was already thinking of settling down with him. She even wants to have kids at a young age.

No more games

What has the 24-year-old actress learned from her past relationship?

“Lahat ng bagay, kailangan planuhin mo. Kailangan isipin mo. Hindi lang basta-basta ngayon,” she said.

Nadine added: “Ayoko na nang playing games. Ayoko na nang wala kang gusto sa buhay mo. Ayoko na nang ganung klaseng lalaki.”

She added, “Ayoko na nung magiging kayo, tapos mag-aaway kayo, tapos maghihiwalay kayo. Hanap ka na ng ibang boyfriend. Ayoko na nang ganun, nakakapagod na.”

Nadine is open to dating, of course. But she wants to get to know the guy first before getting serious with him. “Gusto ko mas matagal kong makilala. Para talagang masiguro kong totoo talaga.”

“Kasi yung mga guys, madali naman nilang sabihin na, 'Seryoso na ako, seryoso na.' Pero come to think of it, the way they talk, yung mga actions nila, hindi pa. Makikita mo yun dun.”

And as for her much-buzzed friendship with Derek, Nadine has this to say.

“Siguro lang hindi ako nagmamadali. Gusto ko kasi sure na. Ayoko nang masaktan ako ng sobra. Hindi mo naman maiiwasan na masaktan sa relationship. Pero ayoko nang mag-invest sa maling tao.”

Looking as gorgeous as ever, with a successful show to boot, Nadine describes her life as “mas magaan.”

“Happy ako sa life ko ngayon,” she said.